by Brando Cortez
ALAM NA ALAM NATIN NA WALANG JUETENG SA ALAMINOS, pero ang hindi natin alam ay anim na taon na pala na walang real property tax increases sa Alaminos city.
Walang real property tax increase sa Alaminos City na pinamumunuan ni Mayor Hernani A. Braganza.
At kahit walang increase, taon taon tumataaas ang kanilang collection.
Bakit nagagawa ni Bok Nani na mapataas ang collection kahit walang increase?
Ang isang paraaan na ginagawa niya ay tax collection efficiency kasabay ang pagbibigay ng early payment incentives.
Halimbawa, ang magbabayad ng real property tax ng buo para sa 2011 bago mag-december 30,2010 ay may 20% discount.
Siyempre maraming nag-avail niyan dahil may discount sa babayaran na real property tax.
Heto pa, nagbibigay din si Bok Nani ng 15% discount para doon sa mga mgababayad ng real property tax para sa first quarter mula January2 hanggang March 31, 2011.
Ang collection sa real property tax ay ginagamit ni Bok Nani sa kanyang mga projects at may 1% na nakalaan para sa kanyang Bright Child Program.
Kung ikaw ay pumunta sa Alaminos City, mapapansin mo ang pag-usbong at paglawak ng kanyang commercial district.
Nadagdagan ang mga business area, mga banko at mga hotel...at may baong university pa sila.
Okay talaga si Bok nani dahil walang Jueteng sa Alaminos at, wala pang increase ng real property tax.
BOK NANI BRAGANAZA, nakarating na ba sa iyo iyong text na “ONCE IS ENOUGH, TWICE IS TOO MUCH. PANGASINANI.2013.”?
Baka naman ang susunod na matanggap ko ay “NO JUETENG! NO NEW TAXES! PANGASINANI.2013.” Hehehe.
CONRADO ESTRELLA III IN ROSALES. O…haa! Nakiata na naman ng mga taga-Rosales ang private citizen na si Former 6th District Rep. Conrado Estrella III sa isang okasyon diyan sa Balincanaway.
...
Kasama ni private citizen Conrado Estrella III sina 6th District Rep. Marlyn Agabas at Board Member Dong Perez.
Siyempre, dahil malakas ang charisma ni Cong Conrad…walang katapusang kamayan, beso-beso at pa-picture ang hiniling sa kanya ng mga taga-Rosales.
Councilor Susan Casareno, Mayor na Mayor na daw ang dating ni Cong Conrad diyan.
COMMUNITY HOSPITAL. Rosales Vice Mayor Jojo Pajela, kumusta na po? Napag-reconcile niyo na po ba ang prinsipyo at ang pulitika sa pangalan ng public service?
Idealistic si Vice Mayor Jojo at tunay na serbisyo publiko ang kanyang hangad para sa mga kababayan at magandang balita na medyo may mga sumasang-ayon na sa kanya sa kanyang panukala na magtayo ng isang community hospital sa Rosales.
Sana po, maitayo ang community hospital para sa mga pangangailang pangkalusugan ng mga kapus palad sa Rosales.
PMA...PMA…PMA. Nakita mo ba ang graduation pictures sa Philippine Millionaires Academy, ah este, Philippine Magnanakaw Academy, ah este, Philippine Malilimutin Academy, ah este, Philippine Military Academy pala?
Bok Roy, kung dati nakabilad sila sa isinag ng haring araw para makuha ang bitaminang hatid nito, aba! Ngayon may malaking parang parachute na naglalagay sa mga graduates sa mas malilim na katayuan.
Ano ba iyan? Bakit ayaw niyong masinagan ng araw ang mga kadete? Graduation pa lang ayaw na kaagad ng mga namumuno na mabilad sa araw…paano na kung nasa giyera na sila?
TALO SA CONGRESS, PERO SI MERCI, PANALO SA SENADO. Tangapin na natin na political ang nature ng kahit anong impeachment complaint.
Councilor Tony Muya ng Rosales, kapag sinabing political…numero o dami ng boto ang maghahari at hindi substance ng complaint.
Ngayon pa lang alam na natin ang magiging resulta ng impeachment laban kay Ombudsgirl Merci Gutierrez.
Dahil mas marami ang maka-administrasyon sa Congress ngayon, siguradong matatalo si Ombudsgirl Merci Gutierrez.
Pero sa parehong dahilan, mas marami ang opposisyon sa Senado kaya mananalo si Ombudsgirl Merci Gutierrez.
Two-thirds ang kailangan para maka matalo si Merci at dahil 22 na lang ang mga senador sobra na ang numbers ng oposisyon para mapawalang bisa ang impeachment complaint.
Councilor Romy Sim ng Rosales, ang mga inaasahang oposisyon ay ang mga senador na sina Bong Revilla, Migz Zubiri, Lito Lapid ng Lakas.
Idagdag mo pa diyan ang mga senador ng Nationalista Party na sina Bongbong Marcos, Manny Villar, Pia Cayetano, at Allan Peter Cayetano.
Tapos ang grupo nila Joker Arroyo, Ed Angara at Loren Legarda.
Kasama na rin pala si Senadora Miriam Santiago.
O, ilan na ba iyan? Mahigit two-thirds na ng 22 iyan.
Hindi puedeng isalpak ng mga taga-Ateneo ( dito po nag-graduate si Presidente Noynoy Aquino) ang kanilang kandidato sa Ombudsman kung matatalo sa botohan sa Senado.
Former Urdaneta City Vice Mayor and now City Councilor Adolf Basco, naaalala niyo pa ba si Provincial Auditor Agustin Chan? Noong 2001, inambush siya kasama ng kanyang driver sa Ilocos Sur dahil ginagawa niya ang kanyang trabaho.
Katulad niya ang ibang auditors na pinatay na sina Dorvin Torcuator (1986 sa Region XII); Anita Gallito (2001 sa Region XIII); Vilma Agias (2007 SA Region IX).
Siyempre, marami pa sa mga auditors ang nakatangap na ng mga death threats at actual na nakaranas ng ambush at nabubuhay pa pero hindi sila natitinag na isiwalat ang pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Nasaan ang mga taga-Ateneo at supporters ni PNoy noong kailangan sila ni Auditor Agustin Chan?
Sana binigyan din nila ng proteksiyon na ibinibigay nila kay Heidi Mendoza si Agustin Chan.
Patay na po si Agustin Chan at ang kanyang anak na noon na nasa law school ay nag-drop out dahil nawalan ng tiwala sa justice system.
Alam niyo po ba na noong pinatay si auditor Vilma Agias ay nakita sa isang papel na nakasulat ito? …"The secret of life is not just to live but to have something worthwhile to live for. We only live once but if we live right, once is enough."
Patay na po si Vilma Agias, may narinig ba tayo sa mga taga-Ateneo at mga supporters ni PNoy na pagkondena sa mga pumatay?
PARENG ORLY NAVARRO, heto naman ang side ko sa issue ng Everest. Hehehe.
Alam mo ba na sa Amerika, maraming nagalit sa paglabas ni Henry Ford ng isang bagong motorized carriage.
Dati kasi ang carriage (karuwahe) ay hinihila ng kabayo.
Ang sinasabi nila ay mas mabuti daw na may carriage na kabayao ang humihila dahil mas tahimik ito at hindi nagbubuga ng usok na ginagawa ng mortorized carriage.
Hindi kailangan ng kabayo ang crudo o gasoline kumpara sa motorized carriage.
Ang kabayo nanganganak ang motorized carriage ay walang kapasidad na manganak.
Ang sabi naman ng kabila, dumumi naman ang mga kalsada dahil sa horse shit na iniiwan ng mga kabayao. Hehehe.
Siyempre ang motorized carriage ang mas ginagamit na ngayon.
At hindi na motorized carriage ang tawag ngayon. Tinamad ang tao kaya CAR na lang ang tawag nila dito.
Nabangit ko ang kasaysayan ng CAR dahil hanggang ngayon may mga debate na nag-uugat dahil sa kotse.
Kung walang CAR, walang Everest. Hehehe.
PPC President Gonzalo Duque, heto po ang isang example ng isang broadcaster na bahala na kayong husgahan kung tama ba o mail ang kanyang ginawa.
Alam niyo po ba na walang class at nagpababa ng dignidad ng isang media TV personality ang kanyang style ng pagtatanong kay BM Von Mark Mendoza tungkol sa Everest?
Sabin ng ni tita Amy, walang finesse at may pagkabastos ang dating ng mga tanong nitong nag-interview.
Kagalang-galang pa naman siya kapag nasa harap ng TV dahil mahilig siyang magsuot ng amerikana kahit na napakainit dito sa Pangasinan.
Sana binigyan niya ng dignidad ang kanyang sarili sa pamamagitan ng mas professional na klase ng pagtatanong…Mas magaling pa ata si Pareng Atong na mag-phrase ng mga tanong niya. Hehehe.
Hindi naman sa kumakampi ako kay BM Mendoza, inilalabas ko lang ito para hindi parisan ng kapwa natin sa media.
No comments:
Post a Comment