My Blog List

Sunday, May 1, 2011

Giginhawa na ba ang mahirap?


PROLIFIC CITY ADMINISTRATOR: 2nd From Left is prolific Dagupan City Administrator Vlad Mata. He is not related with this blog's firebrand take-no-prisoner columnist Mario Mata. Extreme left is City Councilor Brian Lim and Dagupan City Mayor Benjie S. Lim (2nd from Right). (Text by Mario Mata)   

Ikulong si Gloria! Ilibing si Marcos!…giginhawa na ba  ang mahirap?
 BOK NANI BRAGANZA, ang pagpapalit ng president ng Pilipinas ay tungalian ng naghaharing uri at ni minsan ay hindi ito nagresulta sa pag angat ng buhay ng masang Pilipino.
 Ang akakala nating mga progresibong puwersa kuno ay ginagamit ang kanilang talino at lakas sa pakikipagsabayan sa mga isyu ng mga nag-aagawang elitistang puwersa para sa karapatang maghari sa Bayang Pilipinas.
 Ngayon, ang inaatupag naman ng mga progresibong puwersa kuno ay ang isyu ng pagpapakulong kay Gloria at ang isyu ng pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
 Mukhang naliligaw ata ng landas ang mga dati nating kasama. Dakilang Araw na naman ng Paggawa at hindi pa rin nila naisasagawa ang tunay na pagsulong sa interes ng inaaping uri.
 IKULONG SI GLORIA! Iyan ang panibagong aksyon ng isang pangkat ng naghaharing uri kasama ang ilang nagpapangap na pogresibong puwersa.
 Sa isyu ng pagpapakulong kay Pangulong Erap, nakisawsaw ang karamihan sa umanoy progrsibong puwersa at nakialam sa pagpapakulong kay Erap.
 Naisagawa ito nang walang dugong dumanak.
 Nagbunyi sila sa pagkakaluklok kay Gloria bilang Pangulo.
 Pero nasaan na sila ngayon?
 Sila na ang nagkukumahog na magfile ng kasong plunder laban kay Gloria at gusto nilang makulong ang iniluklok nilang si Pangulong Gloria.
 Ang tanong ngayon? Sa sunod sunod na plunder cases laban kay dating Presidente Gloria (PGlo),  ano naman kaya ang ikakagulat ni PNoy sa gagawing hakbang ni PGlo?
                                         
Ang huling balita ko ay nasa abroad si PGlo dahil naka-recess ang Congress.
 Sana huwag magulat si PNoy kung mababalitaan niya na hindi na babalik si PGlo at maghanap na lang political asylum sa ibang bansa dahil ang kanyang rason ay biktima siya ng political persecution ni Pnoy.
 Babalik pa ba si PGlo sa Pilipinas?
 ILIBING NA SI MARCOS. Sa isyung ito dapat ang manaig ay kung ano ang batayan kung sino ang dapat mailibing sa Libingan ng mga Bayani sa Makati ayon sa itinakda ng mga nagtayo ng Libingan ng mga Bayani.
 DAGUPAN CITY ADMINISTRATOR VLAD MATA, para sa akin dapat mailibing na si Marcos sa Libingan ng mga Bayani dahil qualified siya bilang dating Presidente.
 Ang libingan ng mga Bayani ay itinalaga para sa mga sumusunod ayon sa  mga regulasyon na pinirmahan nina AFP Chief of Staff Fidel V. Ramos at President Corazon Aquino.
 AFP Regulations G 161-373: “Allocation of Cemetery Plots at the LNMB”, which was issued on April 9, 1986 by GHQ under then AFP Chief of Staff General Fidel V. Ramos and then President Corazon C. Aquino, as amended by AFP Regulations G 161-375 on September 11, 2000, is the set of regulations that govern the interment at the LNMB.  
 Pursuant to the above cited AFP Regulations, the ten  categories of deceased persons entitled to be buried at the LNMB are:
 1. Medal of Valor awardees
 2. Presidents or Commanders-in-Chiefs, AFP
 3. Secretaries of National defense
 4. Chief of Staff, AFP
 5. General/flag officers of the AFP
 6. Active and retired military personnel of the AFP to include active draftees, trainees, reservists and Cafgu active Auxiliary (CAA) who died in the line of duty, combat operations or combat related activities
 7. Former AFP members who laterally entered/joined the PNP and the PCG
 8. Veterans of the Philippine revolution of 1890, WWI, WWII, and recognized guerillas
 9. Government dignitaries, statesmen, national artists and other deceased persons whose interment or reinterment has been approved by the Commander-in-Chief, Congress, or the Secretary of National Defense.
 10. Former Presidents, Secretaries of National Defense, widows of former Presidents, Secretaries of National Defense, and Chief of Staff are authorized to be interred at the LNMB.

Maliwanag na si Marcos ay naging Presidente ng Pilipinas at ito ang isang batayan kung bakit puede siyang ilibing  doon.
 Bahala na kayong makipagdebate kung siya ay bayani o hindi.
 Kayong mga nasa kaliwa, balak niyo din bang mailibing sa libingan ng mga bayani kapag kayo ay namatay?
 Pasensiya na, hindi kayo qualified.
 Kayong mga nasa Kaliwa, ang Libingan ng mga Bayani ay isyu ng naghaharing uri. Huwag na kayong makialam.
 Tutal may mga congressman naman na kayo sa House of Representatives, gumawa din kayo ng batas para may libingan din kayo? Anong kabayahihan na ba ang nagawa niyo?
 Ang pagtutol sa pagpapalibing kay Marcos ay isang pakikiisa sa kabilang paksiyon ng burgesya na tutol kay Marcos.
 Ang pagsawsaw sa usapin ng libing ni Marcos ay walang kinalaman sa pagsulong ng makauring interes.
 Administrator Vlad Mata, paano mo ba ginagawa ang trabaho mo in terms of relating to the legislative branch sa Dagupan? Mahirap ba, naiipit ka rin ba sa nag-uumpugang bato?
 Administrator Vlad, tapos na ang isyu ng pagkuha sa poder, ituloy mo lang ang pagtaguyod sa mga bagay na ikabubuti ng Dagupan. Doin’ good after 1 year ha!
 PNOY, SHOULD  NOT HAVE ACCEPTED RESIGNATION! Dapat hindi tinanggap ni Pnoy ang resignation ni Ombudsgirl Merci Gutierrez.
 Hindi niya ngayon mapapatunayan ang kanilang pinagpaguran, pinag-gastusan at pinag-isipan kung anong mga kaso ang isasampa para ma-impeach si Ombudsgirl Merci.
 Naghanda ang impeachment prosecutors ng mga bala para sa isang laban na ngayon ay hindi na matutuloy.
 Hindi rin dapat sinabi ni PNoy na siya ay nabigla sa desisyon ni Ombudsgirl Merci dahil ang resignation ay isa sa mga fallback ng akusadong Merci.
 Magaling sa taktika si Merci.
 Naiwan nabigla at nakatunganga ngayon ang impeachment team dahil wala silang napatunayan sa impeachment court.

PANGASINAN INTERNATIONAL AIRPORT. Ang konsepto ni Bok Nani ay ang pagpapatayo ng Pangasinan International Airport sa Alaminos City ay hindi lang para sa Alaminos City o sa Distirct One ng Pangasinan.
Ang Pangasinan International Airport ay para sa buong Pangasinan.
 Katulad ng Gali-langoy na project ng Alaminos City, ito ay naghihikayat ng eco-adventure para sa mga turista na pumunta hindi lang sa Alaminos ngunit para sa mga pasyalansa Pangasinan.
 BOK NANI, may nakita na ako na baller band na nakasulat ay PangAsiNani.2013! Hehehe, alam kong walang kang kinalaman dito.

No comments:

Post a Comment